Almost there
Kakaiba talalaga ang semestreng ito. Patapos na pero ang dami pa ring kailangang gawin. Nakakapagod. Hindi ko lubos maisip na nalampasan ko ang mga iyon o malalampasan pa lang (BA 99.1). Sana. Mahirap talaga ang 99.1. Hindi kasi ako tulad nila Raymund na biniyayaan ng maraming brain cells. Minsan tuloy naiisip ko na nagkamali lang ata sila na tanggapin ako sa BAA. Hindi naman kasi kataasan ang GWA ko para masabi ko na puwede talaga ako. Pero andito na e. Ang magagawa ko na lang ay tanggapin ang bawat hamon at sana malampasan ko ito ( More specifically 99.1, 99.2, 114.1 and 114.2). Grabi, ang dami pa pala nito. Kung ngayon palang ay dinudugo na ang ilong ko sa mga exams ni Prof. Salazar, paano na kaya sa mga susunod. Utak na siguro ang dudugo kung makaabot man ako rito.
Matindi at madugo talaga ang labanan. Marami na ring estudyante ang nakatikim ng hagupit ng hirap ng mga mga ito. Kung sumapit man na hindi kayanin ng kapangyarihan ko na manatili sa kurso ko ngayon ay nagpapasalamat na rin ako at naranasan ko ang maging 1 estudyante ng kursing tinitingala ko talaga ng sobra-sobra.
Kung may pahirap sa akin ngayon ng sobra-sobra ay meron din namang lubos na nagbigay ng kaligayahan sa akin. Ano pa nga ba kundi ang UP JPIA. Isa pa sa mga napatunayan ko na isa ito sa mga organisasyon na talagang dapat salihan. Biruin niyo na ginagawang "stepping stone" ang BAA para lang makasali rito. Hehehe. Bahala na kayo kung paano niyo iintindihin iyon. Biruin niyo na appplication process pa lang ay panalong-panalo na. Dito nagawa ang mga akala ko rati ay hindi ko magagawa. Ang aming hell week kung saan nagsuot kami ng mga doble-karang damit (taong grasa-corporate attire, winter-summer, school supplies-parlor). Dito lumabas ang pagiging malikhain at pagiging walang-hiya ng mga apps. Samu't sari rin kasi ang ginawa namin habang suot-suot namin ang aming mga costumes. Nakakahiya, nakamamangha, nakdidiri at siyempre nakatutuwa. Nandiyan din ang app's outing at challenge night na masasabi ko namang todo-bonding talaga ako sa mga bagong tagpong kaibigan ko. Hindi rin biro ang mga paghahanda namin dito. Puspusan ang aming pag-eensayo para masiguro lang na maganda ang pagtatanghal na aming ginawa. Dito namin pinatunayan na hindi lamang ang paglagay ng mga debits at credits ang aming kayang gawin. Dito, ay lumabas ang mga pagiging talented namin sa laranagan ng pag-awit, pagsayaw, at pag-arte. Hulaan niyo na lang kung alin sa mga iyon ang ginawa ko.
Kulang ang panahon upang mailahad ko rito ang lahat ng mga makabuluhang nangyari sa aking buhay kasama ang JPIA. Inaantok na kasi ako. Kailangan ko rin kasing matulog. Hindi ata biro ang sunod-sunid na exams sa Stat 101 (pinurga kasi kami ni Mam Ange sa exams). Kaya, abangan niyo na lang ang sequel nitong post ko..
To be continued......

Recent Comments